Linggo, Oktubre 26, 2014

Proyekto Sa Fil. ni JAMES LEENARD L. ABAN

SURING-PELIKULA ni 
JAMES LEENARD L. ABAN


I. Pamagat
"Anak" ni Rory B. Quintos
II. Tauhan
Vilma Santos - Josie - Isang OFW. Isang Ina sa tatlong anak.
Claudine Barretto - Carla - Panganay na anak ni Josie
Joel Torre - Rudy - Asawa ni Josie.
Baron Geisler - Michael - Pangalawang anak ni Josie
Sheila Mae Alvero - Daday - Bunsong anak ni Josie
Amy Austria - Lyn - Kumare ni Josie. Isa ring OFW.
Cherry Pie Picache - Mercy - Kumare ni Lyn at Josie. Isa ring OFW.
Leandro Muñoz - Brian
Tess Dumpit - Norma
Cris Michelena - Arnel
Hazel Ann Mendoza - Batang Carla
Daniel Morial - Batang Michael
Gino Paul Guzman - Don Don
Jodi Sta. Maria - Bernadette
Odette Khan - Mrs. Madrid


III. Kwento
               Ang "Anak" ay isang pelikulang naglalaman ng naging buhay ni Josie bilang OFW. Ang mga paghihirap at pagdurusa niya sa kanyang mga amo. Ang pagmamahal niya para sa kanyang mga naging lakas niya para sa pagdurusang kanyang sinasapit. 6 na taon siyang naging OFW bago nakabalik sa Pilipinas.
               Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi na rin siya dahil sa pagpapasyang hindi na pagtatrabaho sa Hong Kong at siya ay magnenegosyo na lamang. Sa kanyang pagbabalik, hinarap niya ang matabang na pagsalubong ng mga anak. Si Daday (Sheila Mae Alvero), ang bunso, ay hindi siya kilala, si Michael (Baron Geisler) ay mahiyain at walang kimi at si Carla (Claudine Barretto), na hindi man lang siya ginagalang at iniitsa-pwera lamang. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang makuha man lamang ang atensiyon ng mga anak at sa mga araw na lumilipas ay nakikilala niya ang kanyang mga anak. Nakita niya ang mga bisyo at karanasan ni Carla ang pag-aaral, paninigarilyo, paglalagay ng tattoo, paghihithit ng rugby, panlalalake at paglalaglag ng bata. At marami pang problema ang kanyang kinaharap, ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang mga anak, nabangga pa ang taksing pinundar niya at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos nito ang perang ibabahagi sana niya.
                Si Josie ay nagkaroon ng maraming pagkukulang. Isa siyang masamang ehemplo katulad ng anak niyang si Carla. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama't malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring iyon ay nagbalik-loob si Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang anak at nakatatandang kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-alis ng ina
IV. Aral o Mensahe
                Wag natin waldasin ang perang pinapadala o pinaghihrapan ng ating mga magulang sa atin sa walang ka kwenta kwentang bagay dahil hindi natin alam kung gaano ito pinaghirapan ng ating mga mahal sa buhay na nagpapakahirap magtrabaho sa ibang bansa. HIndi natin alam kung gaano sila naghirap upang magkaroon nalang ng pera upang itaguyod ang pamilya.

V. Cinemotograpiya
                Malinaw ang bawat eksena at gumamit ng realistikong pamamaraan. Maayos nilang nailagayang bawat ilaw at dilim depende sa bawat panahon. Nasa tamanganggolo mga eksenaat ang pokus ng light sa mga nagsasalitamaganda rin ang blending nito. Simple at pormal lamang ang mga damit na ginamit.

VI. Pagsusuri
  • A : URI NG PELIKULA
            Ipinapakita nito ang takbo ng buhay ng isang tao o pamilya sa isang lipunan. Ito ay isang uri ng pelikula na panglipunan.
  • B : KABUUAN NG KWENTO
          Ang istoryang ito ay makatotohanan, sapagkat ito ipinapakita nito ang takbo ng buhay ng isang tao o pamilya sa isang lipunan. Ang mga artisita naman ay ginanap ang kanilang mga tungkulin sa kwento, masasabi ko na sila talaga ay nararapat sa kanilang ginagampanan at napakagaling nila. 
          Ang bahagi naman ng pelikula kung saan ito talaga ang nagpa-iyak, pasiklab, nagparamdam ng matinding damdamin ay yung sa bahagi na nag-away si Josie at si Carla. Ito talaga ang nagpatatak sa kwento. Talagang ginampanan nila ang kanilang tungkulin. 
        Malaki ang maitutulong ng paglalapat ng ilaw, kasuotan at tagpuan sa ikagaganda ng buong pelikula sapagkat ito ay ang susi upang ang isang pelikula ay matagumpay at maganda. At kung wala ito, mawawalan ng saysay ang buong kweto o pelikula, dahil ito ay ang nagsasabuhay ng isang kwento. Wala namang napabayaang elemento ang pelikula dahil para sa akin, halos lahat na ay naroon, talagang isang napakagandang pelikula ito at masasabi kong walang makakatalo sa mga pelikulang Pinoy.Para sa akin, Opo, Napadama nila talaga ang mensahe sa buong manonood. Dahil ito sa kanilang masuhay na pagganap sa pelikulang ito at dahil ito ay isang napakagandang pelikula na dapat natin unawain, mahalin, at ipagmalaki.


2. A : URI NG PELIKULA
Ito ay isang uri ng pelikula na panglipunan. Ipinapakita nito angtakbo ng buhay ng isang tao o pamilya sa isang lipunan.
    B : KABUUAN NG KWENTO
          Opo, ang istoryang ito ay makatotohanan, sapagkat ito ay nangyayari sa totoong buhay. Ang 
mga artisita naman ay ginanap ang kanilang mga tungkulin sa kwento, masasabi ko na sila talaga ay nararapat sa kanilang ginagampanan at napakagaling nila. 
          Ang bahagi naman ng pelikula kung saan ito talaga ang nagpa-iyak, pasiklab, nagparamdam ng matinding damdamin ay yung sa bahagi na nag-away si Josie at si Carla. Ito talaga ang nagpatatak sa kwento. Talagang ginampanan nila ang kanilang tungkulin. 
        Malaki ang maitutulong ng paglalapat ng ilaw, kasuotan at tagpuan sa ikagaganda ng buong pelikula sapagkat ito ay ang susi upang ang isang pelikula ay matagumpay at maganda. At kung wala ito, mawawalan ng saysay ang buong kweto o pelikula, dahil ito ay ang nagsasabuhay ng isang kwento.
          Wala namang napabayaang elemento ang pelikula dahil para sa akin, halos lahat na ay naroon, talagang isang napakagandang pelikula ito at masasabi kong walang makakatalo sa mga pelikulang Pinoy.
           Para sa akin, Opo, Napadama nila talaga ang mensahe sa buong manonood. Dahil ito sa kanilang masuhay na pagganap sa pelikulang ito at dahil ito ay isang napakagandang pelikula na dapat natin unawain, mahalin, at ipagmalaki.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento