Anthony Joseph Alipio
I. Pamagat
"Anak" ni Rory B. Quintos
II. Tauhan
Vilma Santos - Josie - Isang OFW. Isang Ina sa tatlong anak.
Claudine Barretto - Carla - Panganay na anak ni Josie
Joel Torre - Rudy - Asawa ni Josie.
Baron Geisler - Michael - Pangalawang anak ni Josie
Sheila Mae Alvero - Daday - Bunsong anak ni Josie
Amy Austria - Lyn - Kumare ni Josie. Isa ring OFW.
Cherry Pie Picache - Mercy - Kumare ni Lyn at Josie. Isa ring OFW.
Leandro Muñoz - Brian
Tess Dumpit - Norma
Cris Michelena - Arnel
Hazel Ann Mendoza - Batang Carla
Daniel Morial - Batang Michael
Gino Paul Guzman - Don Don
Jodi Sta. Maria - Bernadette
Odette Khan - Mrs. Madrid
Buod:
Isang ina na napilitang magtrabaho sa Hongkong upang kumita si Josie.Ginawa niya ito upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Nagsimula ang kanilang buhay bilang isang simpleng mag-anak ngunit ng yumao ang asawa ni Josie na si Rudy, doon na nagsimula ang pagkakawatak watak ng pamilya. Hindi kasi noon nakauwi si Josie nang mamatay ang asawa dahil siya ay ikinulong ng amo niya nang may isang buwang itong umalis at hindi rin niya nabalikan ang mga anak.
Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi na rin siya dahil sa pagpapasyang hindi na pagtatrabaho sa Hongkong at siya ay magnenegosyo na lamang. Sa kanyang pagbabalik, hinarap niya ang matabang na pagsalubong ng mga anak. Si Daday, ang bunso, ay hindi siya kilala, si Michael ay mahiyain at walang kimi at si Carla, na hindi man lang siya ginagalang at iniitsa-pwera lamang. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang makuha man lamang ang atensyon ng mga anak at sa mga araw na lumilipas ay nakikilala niya ang kanyang mga anak. Nakita niya ang mga bisyo at karanasan ni Carla ang paninigarilyo, tattoo, paghihithit ng droga, panlalalake at paglalaglag ng bata. At marami pang problema ang kanyang kinaharap, ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang mga anak, nabangga pa ang taksing pinundar niya at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos nito ang perang ibabahagi sana niya.
Nagtuluy-tuloy ang kamalasan ni Josie kasabay ng pagkaunti ng kanyang inimpok nasalapi para sa kanyang pamilya. Dahil dito, napilitan siyang magbalik sa Hongkong. Isang gabi bago siya babalik sa Hongkong, napuno si Josie sa pagtrato sa kanya ni Carla. Malaki ang alitan ng dalawa hanggang sa binuhos niya ang lahat lahat ng kanyang nararamdaman sa mga anak. Sa oras na ito, namulat ang mga mata ni Carla sa katotohanang siya ang sumira sa buhay niya at wala na siyang mapagbabalingan ng sisi kundi ang sarili niya dahil sa pagpapalalo niya sa kanyang bisyo. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama’t malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring iyon ay nagbalik-loob si Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang anak at nakatatandang kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-alis ng ina.
Produksyon
Manunulat: Raymond Lee and Ricardo Lee
Direktor : Rory B. Quintos
Mga Nagsiganap:
Pangunahing Tauhan
· Vilma Santos- Josie
· Claudine Barretto- Carla
· Joel Torre- Rudy
· Amy Austria- Lyn
· Baron Geisler- Michael
· Sheila Junsay- Daday
· Cherry Pie Picache- Mercy
Iba pang Tauhan
· Leandro Muñoz- Brian
· Gino Paul Guzman- Don Don
· Tess Dumpit- Norma
· Jodi Sta. Maria- Bernadette
· Cris Michelena- Arnel
· Hazel Ann Mendoza- Young Carla
· Daniel Morial- Young Michael
· Odette Khan- Mrs. Madrid
Kabuuang Kwento
May natutunan/naibahagi ba ang istorya?
Ang Pelikulang Anak ay isang magandang palabas para sa ating mga Pilipino. Ito ay nagpapakita ng mga sitwasyong totoong nangyayari sa loob at labas ng bawat pamilyang Pilipino.
Maraming mga pagpapahalagang moral ang naibahagi ng pelikulang ito. Katulad na lamang ng mga sumusunod :
· Tunay at wagas ang pagmamahal ng ina sa kanyang mga anak.
· Ang Ina ay handang tanggapin at mahalin ang kanyang mga anak maging anu pa man ang mga kamaliang nagawa nito.
· Ang lahat ng tao ay may kakayahang magbago at magbalik-loob sa tamang landas.
· Ang lahat ng tao ay may dahilan kung bakit sila ay nagsasakripisyo para sa ibang tao.
· Ang pagpapakatatag ng tao sa pagharap sa kanyang mga problema ay mahalaga upang malagpasan ang mga pasakit ng buhay.
Ang mga aral na iyan ay dapat taglayin ng bawat isa sa atin dahil ang mga iyan ay makatutulong sa atin upang mapagtagumpayan natin ang ating mga buhay. Hindi lamang iyan gayundin ang mga simpleng aral na makikita pa rin sa loob ng pelikula ay makatutulong din. Ang mga aral na makikita ay base sa paraan ng ating pagtingin sa buhay.
1 week ago
Pagganap
a. May sapat bang damdamin o panlasa sa kagandahan o sining?
Ang kabuuan ng pelikula ay mayroon at nagpakita ng sapat at totoong damdamin para sa paksa ng pelikula na siya ring nagbigay ganda sa pag-usad ng kwento nito.
b. Makatotohanan at mahusay ba ang pagkakaganap ng mga tauhan?
Ang mga tauhang nagsiganap ay sadyang hindi matatawaran dahil sa galing nilang gampanan ang bawat karakter nila sa anumang mukha ng buhay o sitwasyon na kanilang kinahaharap sa buong pelikula.
c. Lahat ba ng tagpo ay malinaw at mahalaga sa pinapaksa?
Ang mga tagpo sa loob ng pelikulang ito ay nagawa at naipalabas ng malinaw. Ang bawat pangyayari naman ay mahahalaga dahil lahat ng mga iyon ay sumasalamin sa tunay na kalagayan ng pamilyang Pilipino.
Sinematograpiya
Ang Pelikulang Anak ay isang magandang palabas para sa ating mga Pilipino. Ito ay nagpapakita ng mga sitwasyong totoong nangyayari sa loob at labas ng bawat pamilyang Pilipino.
Ang Pelikulang Anak ay patungkol sa isang ina, bilang Overseas Filipino Worker, na napilitang umalis ng bansa upang mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang pamilya.
1 week ago
Iskrip
Bawat salita ay tumatagos. Tumuturok sa malambot na bahagi ng ating puso.
Ang mga salitang binitawan ni Vilma bilang si Josie habang ipinapaliwanag kay Carla (na ginampanan naman ni Claudine Barretto) ang hirap na dinanas para lamang makapagpadala ng pera ay malinaw na larawan ng buhay ng isang OFW.
Ang akala ng iba’y masarap, maginhawa ang buhay-OFW. Akala ng marami madaling kumita ng dolyar na para bagang ito’y pinupulot lamang.
Subali’t ang totoo, karamiha’y nagtitiis, nagtitiyaga, dumaranas ng lungkot at pighati, minamaltrato, napapahamak at minsa’y nakikitlan ng buhay. All because of one desire – ang mai-angat ang antas ng buhay at malasap ng pamilya ang kaginhawaan.
Kung kaya’t ang pelikulang ito na “Anak” ay magsilbi nawang paalala at magbukas ng kaisipan ng karamihan sa ating mga kababayan ng kalagayan ng isang OFW.