SURING PELIKULA ni
Edalyn Verano Alicante
I. Pamagat: "Anak"
II. Tauhan:
·
Vilma Santos – bilang Josie – in nila Carla,
Michael at Daday
·
Claudine Barreto – bilang Carla – panganay na
anak ni Josie
·
Joel Torre – bilang Rudy – asawa ni Josie
·
Amy Austria – bilang Lyn – matalik na kaibigan
ni Josie
·
Cheery Pie Pichache – bilang Mercy – matalik na
kaibigan ni Josie
·
Baron Geisler – bilang Michael – anak na lalaki
ni Josie
·
Leondro Munez – bilang Brian – kasintahan ni
Carla
·
Gino Paul Guzman – bilang Don Don
·
Sheila Mae Alvero – bilang Daday – bunsong anak
ni Josie
·
Tess Dumpit – bilang Norma
·
Jodi Santa Maria – bilang Bernadette –
nililigawan ni Michael
·
Chrisay Michelena – bilang Arnel
·
Odette Khan – bilang Mrs Madrid
III. Kwento:
Ang `
Anak` ay isang pelikulang na kung saan si Josie isang ina walang ibang
hinahangad kundi mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak. Nakipag
sapalaran siya doon bilang isang Domestic Helper sa Hong Kong para kumita ng
pera kung sag anon maipapadala niya ito sa kanyang mga anak. Ipinakikita rito
ang mga paghihirap na naranasan niya dito. Tiniis niya na malayo sa kanyang
pamilya. Ipinakikita rin ditto kung gaano siya katapang na harapin ang mga
problemang kinakaharap niya.
IV. Banghay ng
Pangyayari:
Si
Josie ay isang ina na kung saan nakipagsalaran sa ibang bansa para – mabigyan ng
magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Dito maraming mga pangyayari na
naganap. Si Carla ay may galit sa kanyang ina kasi di niya naiintindihan kung
ano ang mga dahilan na kung bakit niya ginawa ito. Si Carla ay lalong nalulong
sa kanyang bisyo. Nagrebelde siya sa kanyang ina. Maraming mga problema na
dumating sa kanya kaya naisipan niya bumalik nalang sa Hong Kong. Isang gabi
bago siya babalik sa Hong Kong, din a nya napigilan ang kanyang mga hinanakit
kaya lahat lahat ng kanyang nararamdaman sa kanyang mga anak ay nilabas niya,
kaya namulat ang mga mata ni Carla sa katotohanan siya ang sumira mismo sa
buhay nya, at wala na siyang mapagbabalingan ng sisi kundi ang kanyang sarili,
naintindihan ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagamat malayo siya sa
kanilang tabi.
V. Paksa/ Tema:
Ang
pag- intindi sa ating mga magulang at pag – appreciate sa kanilang nagawa ay
nakakapagdulot ng kasiyahan sa kanila.
Ito ay
nangangahulugan na ang pag – intindi at pag – appreciate sa kanilang mga
ginagawa para sa atin ay nakakapagdulot ng kasiyahan at sa pamamagitan nito
nararamdaman nila na mahalaga sila sa atin.
VI. Cinematograpo:
Ang
pelikulang `ANAK` ay maganda ang istorya kasi karamihan ditto ay nakakarelate
at mahusay ang pagkakagawa. Ang mga musika na ginamit ditto ay akma sa mga
pangyayaring nagaganap. Ang mga dayalogo ay malinaw at hindi nahuhuli o nauuna
sa ibat ibang eksena.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento