Mary Erlin C. Serra
I. Pamagat
"Anak" ni Rory B. Quintos
II. Tauhan
Vilma Santos - Josie - Isang OFW. Isang Ina sa tatlong anak.
Claudine Barretto - Carla - Panganay na anak ni Josie
Joel Torre - Rudy - Asawa ni Josie.
Baron Geisler - Michael - Pangalawang anak ni Josie
Sheila Mae Alvero - Daday - Bunsong anak ni Josie
Amy Austria - Lyn - Kumare ni Josie. Isa ring OFW.
Cherry Pie Picache - Mercy - Kumare ni Lyn at Josie. Isa ring OFW.
Leandro Muñoz - Brian
Tess Dumpit - Norma
Cris Michelena - Arnel
Hazel Ann Mendoza - Batang Carla
Daniel Morial - Batang Michael
Gino Paul Guzman - Don Don
Jodi Sta. Maria - Bernadette
Odette Khan - Mrs. Madrid
III. Kwento
Ang "Anak" ay isang pelikulang naglalaman ng naging buhay ni Josie bilang OFW. Ang mga paghihirap at pagdurusa niya sa kanyang mga amo. Ang pagmamahal niya para sa kanyang mga naging lakas niya para sa pagdurusang kanyang sinasapit. 6 na taon siyang naging OFW bago nakabalik sa Pilipinas.
Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi na rin siya dahil sa pagpapasyang hindi na pagtatrabaho sa Hong Kong at siya ay magnenegosyo na lamang. Sa kanyang pagbabalik, hinarap niya ang matabang na pagsalubong ng mga anak. Si Daday (Sheila Mae Alvero), ang bunso, ay hindi siya kilala, si Michael (Baron Geisler) ay mahiyain at walang kimi at si Carla (Claudine Barretto), na hindi man lang siya ginagalang at iniitsa-pwera lamang. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang makuha man lamang ang atensiyon ng mga anak at sa mga araw na lumilipas ay nakikilala niya ang kanyang mga anak. Nakita niya ang mga bisyo at karanasan ni Carla ang pag-aaral, paninigarilyo, paglalagay ng tattoo, paghihithit ng rugby, panlalalake at paglalaglag ng bata. At marami pang problema ang kanyang kinaharap, ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang mga anak, nabangga pa ang taksing pinundar niya at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos nito ang perang ibabahagi sana niya.
Si Josie ay nagkaroon ng maraming pagkukulang. Isa siyang masamang ehemplo katulad ng anak niyang si Carla. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama't malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring iyon ay nagbalik-loob si Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang anak at nakatatandang kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-alis ng ina
IV. Aral o Mensahe
Wag natin waldasin ang perang pinapadala o pinaghihrapan ng ating mga magulang sa atin sa walang ka kwenta kwentang bagay dahil hindi natin alam kung gaano ito pinaghirapan ng ating mga mahal sa buhay na nagpapakahirap magtrabaho sa ibang bansa. HIndi natin alam kung gaano sila naghirap upang magkaroon nalang ng pera upang itaguyod ang pamilya.
V. Cinemotograpiya
Malinaw ang bawat eksena at gumamit ng realistikong pamamaraan. Maayos nilang nailagayang bawat ilaw at dilim depende sa bawat panahon. Nasa tamanganggolo mga eksenaat ang pokus ng light sa mga nagsasalitamaganda rin ang blending nito. Simple at pormal lamang ang mga damit na ginamit.
VI. Pagsusuri
- A : URI NG PELIKULA
Ipinapakita nito ang takbo ng buhay ng isang tao o pamilya sa isang lipunan. Ito ay isang uri ng pelikula na panglipunan.
- Kabuuan ng Kwento
1.) Opo, ito ay makatotohanan. Dahil ang mga kabataan ngayon ay karamihan wala nang respeto o pagbibigay galang sa kanilang mga
magulang o sa mga nakatatanda. Ito na rin ay dahil sa mga taong nasa paligid o nakasasalamuha ng mga kabataan na maaaring makaimpluwensya sa kanila.
2.) Opo, ang mga artista ay angkop na angkop sa kanilang papel na ginampanan sa pelikula, at dahil sa ang kanilang pag-arte ay kaya sa pabago bagong uri o ugali ng karakter. Consistent sila sa kanilang pagganap dahil sa komportable sila kung saang papel sila nailagay.
3.) Nang nailabas na ni Vilma Santos ang kanyang hinaing at nagsimula silang mag-away ng kanyang anak na si Claudine Baretto, na pinipilit nyang umuwi na sa kanilang tahanan. Ngunit ayaw ni Claudine at sa sobrang galit nya ay bigla nyang naitulak ang kanyang ina at dun parang biglang umiba ang naramdaman ni Claudine, bigla syang naawa sa kanyang ina
4.) Ito ay nakatulong sa pamamagitan ng pagbibigay buhay sa pelikula upang mas maging kaaya-ayang panoorin ang mga artistang gumaganap at para mabigyang kulay ang pelikulang pinapanood nang sa gayon ay hindi maging "boring".
5.)Wala namang napabayaang elemento ang pelikula dahil para sa akin, halos lahat na ay naroon, talagang isang napakagandang pelikula ito at masasabi kong walang makakatalo sa mga pelikulang Pinoy.
6.) Para po sa akin opo, sa simula pa lang ay may ipinapahiwatig nang mensahe ang pelikula. Hanggang sa nagtapos ang pelikula dun mo makukuwa lahat ng aral na inilagay nila sa pelikula. At masasabi kong ang pelikulang ito ay punong puno ng mensaheng nais iparating sa mga manonood na patungkol sa kung paano mamuhay sa malayong lugar at malayo sa pamila, at ang pagpapakita ng pagmamahal gayundin ang pagtahak ng kasiyahan. Hindi lang sa pansarili kundi pati na rin sa kapakanan ng pamilya at kapwa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento