Martes, Nobyembre 4, 2014

Vanessa Mae Amante IV-Pegasus (Suring Pelikula)

SURING PELIKULA ni
Vanessa Mae Amante

I. Pamagat:   "Anak"

II. Tauhan:

·         Vilma Santos – bilang Josie – in nila Carla, Michael at Daday
·         Claudine Barreto – bilang Carla – panganay na anak ni Josie
·         Joel Torre – bilang Rudy – asawa ni Josie
·         Amy Austria – bilang Lyn – matalik na kaibigan ni Josie
·         Cheery Pie Pichache – bilang Mercy – matalik na kaibigan ni Josie
·         Baron Geisler – bilang Michael – anak na lalaki ni Josie
·         Leondro Munez – bilang Brian – kasintahan ni Carla
·         Gino Paul Guzman – bilang Don Don
·         Sheila Mae Alvero – bilang Daday – bunsong anak ni Josie
·         Tess Dumpit – bilang Norma
·         Jodi Santa Maria – bilang Bernadette – nililigawan ni Michael
·         Chrisay  Michelena – bilang Arnel
·         Odette Khan – bilang Mrs Madrid

III. Kwento:
                Ang ` Anak` ay isang pelikulang na kung saan si Josie isang ina walang ibang hinahangad kundi mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak. Nakipag sapalaran siya doon bilang isang Domestic Helper sa Hong Kong para kumita ng pera kung sag anon maipapadala niya ito sa kanyang mga anak. Ipinakikita rito ang mga paghihirap na naranasan niya dito. Tiniis niya na malayo sa kanyang pamilya. Ipinakikita rin ditto kung gaano siya katapang na harapin ang mga problemang kinakaharap niya.

IV. Banghay ng Pangyayari:
                Si Josie ay isang ina na kung saan nakipagsalaran sa ibang bansa para – mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Dito maraming mga pangyayari na naganap. Si Carla ay may galit sa kanyang ina kasi di niya naiintindihan kung ano ang mga dahilan na kung bakit niya ginawa ito. Si Carla ay lalong nalulong sa kanyang bisyo. Nagrebelde siya sa kanyang ina. Maraming mga problema na dumating sa kanya kaya naisipan niya bumalik nalang sa Hong Kong. Isang gabi bago siya babalik sa Hong Kong, din a nya napigilan ang kanyang mga hinanakit kaya lahat lahat ng kanyang nararamdaman sa kanyang mga anak ay nilabas niya, kaya namulat ang mga mata ni Carla sa katotohanan siya ang sumira mismo sa buhay nya, at wala na siyang mapagbabalingan ng sisi kundi ang kanyang sarili, naintindihan ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagamat malayo siya sa kanilang tabi.

V. Paksa/ Tema:
                Ang pag- intindi sa ating mga magulang at pag – appreciate sa kanilang nagawa ay nakakapagdulot ng kasiyahan sa kanila.
                Ito ay nangangahulugan na ang pag – intindi at pag – appreciate sa kanilang mga ginagawa para sa atin ay nakakapagdulot ng kasiyahan at sa pamamagitan nito nararamdaman nila na mahalaga sila sa atin.

VI. Cinematograpo:
                Ang pelikulang `ANAK` ay maganda ang istorya kasi karamihan ditto ay nakakarelate at mahusay ang pagkakagawa. Ang mga musika na ginamit ditto ay akma sa mga pangyayaring nagaganap. Ang mga dayalogo ay malinaw at hindi nahuhuli o nauuna sa ibat ibang eksena.                 

1 komento:

  1. Choo Sbobet: T-Mobile Casino - Choo Jin 토토랜드 사이트 우리카지노 우리카지노 우리카지노 마틴 우리카지노 마틴 266Playrivers4Fun | Bet £10 Get £10 Welcome Bonus

    TumugonBurahin