SURING PELIKULA ni
Dazzle Ginete
"ANAK"
Ang Anak ay isang pelikula noong 2000 na handog ng Star Cinema para sa mga OFW (Overseas Filipino Workers) sa iba’t ibang dako ng mundo. Sa natatanging pelikula na ito na sumikat sa takilya at kumita ng mahigit 110 milyon piso ay pinagbibidahan ninaVilma Santos at Claudine Baretto. Noong 2000, ang pelikulang ito ang pinakatanyag na pelikula sa kasaysayan ng pelikula sa industriyang Pilipino dahil sa laki ng binatak nito sa takilya.
Suring Pampelikula
Sa simula palang ay pinakita na ni Josie, mula sa katuwaan at excitement niya sa pagbabalik sa Pilipinas (natural na natural ‘yung pagiging aligaga niya habang namamahagi ng pasalubong sa mga anak niya), ang disappointment niya nang matanto niyang hindi na niya kilala ang mga batang binalikan niya, hanggang sa finally ay sumambulat siya sa tagpong pinagsasampal na rin niya si Claudine at pinalalayas. Ito ay kakaibang sequence of event ngunit hindi ito nagmukhang makatotohanan. Sino ba naman kasing OFW ang basta basta nalamang sasaktan ang kaniyang mga anak pagkatapos niyang mawala ng 10 taon? Kung tutuusin ay gumawa dapat sya ng mga paraan upang maayos ang kanilang ugnayang pampamilya. Karamihan sa mga tagpo na naganap ay hindi rin makatotohanan. Halimbawa nalamang ay ang tunggalian ni Josie ( Villa Santos) at ni Carla (Claudine Baretto) na kung saan si Carla ay sigaw ng sigaw sa kaniyang ina at hinihila si Carla kung saan man. Si Carla naman ay ayaw sumama sa kaniyang ina. Samantalang, ang mga tao naman sa loob ng bahay nila ay nanonood lamang at parang walang ginawa upang pigilan sila na parang sila ay nanunuod ng isang wrestling fight.May mga tagpo rin kung saan gumagawa ng kung anu-ano si Carla. May mga pagkakataon na hindi na realistic ang mga ginagawa nya. Sumosobra na sa pagrerebelde ang kaniyang mga ginagawa. Ang kaniyang mga kapatid naman ay sumusunod nalamang sa kanya. Hindi manalng nila inisip ang kalagayan ng nanay nila nung sya ay nasa ibang bansa pa. marami akong kakilala na anak ng mga OFWs kaya naman hindi ko nakita sa mga storya ang pangulila ng mga anak.
Kung damdamin din lang naman ang pag-uusapan, wala nang dapat itanong pag si Ate V at si Claudine na ang nagsama sa aktingan. Silang dalawa ang ilan sa mga pinaka magaling na artista sa bansa. Ibig sabihin ay sa lahat ng pelikulang kanilang ginagawa
ay dapat na nating asahan na magiging maganda ang kakalabasan nito.marami sa mga aktres na gumanap ay angkop sa karakter na kanilang ginaganapan. Nakakarelate kasi sila kaya naman mas naisasabuhay nila ang kanilang role.
Ito ay tiyak na nangangaral. Sa gitnang parte ng pelikula makikita ang aral na dulot nito sa atin. Ang aral ay wag nating manghusga sa taong wala namang ginawang masama. Tulad nga ni Josie, hinusgahan kaagad siya ni Carla na masamang tao, kahit hindi naman niya intesyon ang iiwan sila ng ganun ganun lamang. Sa parte rin ito makikita ang mabigat na tunggalian ng mag-inang si Josie ( Vilma Santos)at Carla (Claudine Baretto).naipalabas ni Vilma Santos ang pagiging tunay na ina sa mga aksyon na ito. Naipakitang napakagaling magconvey ng mga artista. Pinapakita nila ang kanilang tunay na emosyon. Si Cherie Pie Picache naman ay mahusay na ginampanan ang pagiging kaibigan nya o bilang isang supporting actress. Halos lahat naman na mga artista ay nagawang kapanipaniwala ang kanilang character kahit na mayroong pagkakamali sa parte nila. Napaniwala nila akong isa silang tunay na pamilya. Sa umpisa pa lang ng pelikula, kinurot na ang puso ko. Damang dama mo ang pagkasabik ni Josie na muling makita’t makapiling ang mga anak, ang pagtataka’t hindi ipinahalatang pagdaramdam ng hindi siya kilala ng mismong bunsong anak. Natural na natural ang dating ng acting ni ate Vi sa eksenang hindi siya magkandaugaga sa pag-asikaso ng mga bisita sa kanyang welcome party pati na rin sa pagmumudmod niya ng mga pasalubong. Mararamdaman mo ang pagmamahal na ipinapakita niya sa mga anak bilang pagpupuno sa kanyang mga pagkukulang noong mga panahon na wala siya sa piling nila, kasama na ang pagtitiis at pagwawalang bahala sa kabastusan ng panganay na si Claudine na sa totoo lang ay napakahusay din. Nakiiyak at nakidalamhati ako kay Josie sa bawat sakit at hapdi ng kalooban na kanyang nadarama. Umabot sa sukdulan ang pagkahabag ko kay Josie at matinding galit naman ang nadama ko kay Claudine sa paglapastangan sa kanyang ina. Halos nadurog ang puso ko ng isa-isahin na ni Josie ang mga paghihirap at pagtitiis na kanyang pinagdaanan. Mahirap nga ba sa mga anak ang intindihin kung bakit kinakailangan lumayo ang isang magulang lalo pa’t ang ina sa kanyang mga mahal sa buhay para sa kapakanan ng pamilya? Maaaring oo, at maaaring hindi. Bagamat kailangan ng mga anak ng kalinga at gabay ng kanilang magulang sa kanilang paglaki, pero nasa kanila ang pagpipilian.
Akmang-akma naman ang kanta ni Freddie Aguilar na “Anak” sa pelikulang ito. Isa itong makapintig ng damdamin na musika. Sa linyang “Nagdaan pa ang mga araw at ang landas mo’y naligaw, ikaw ay nalulong sa masamng bisyo,” ay pinapakita noong si Carla ay nalulong sa mga lalaki, sa sex at sa masasamang bisyo.at pagpapakita niya kung gaano niya kinamumuhian ang kaniyang ina. Damangdama namin ang panonood, naluluha-luha na kami sa mga eksenang napapanood. Grabeng lines, nanggagaling sa puso kaya tumatagos sa puso. Pagdating sa pagliltanya ni Ate Vi nang tuhog na tuhog, yung makapanindig-balahibong linyang marami siyang pinalampas na pagkalam ng sikmura para lang maipadala niya ang pambili sa kanyang mga anak. Dahil narin ito sa mga musika na ginamit. Sa mga sound effects na nagpapabuhay sa bawat salitang binabanggit ng mga karakter.
Mahusay na ang pagkagawa. Wala ding kailangang ibawas. Ang mga medyo hindi akmang eksena para sa mga kabataan ay pwedeng hindi na tanggalin upang mamulat ang mga kabataan sa realisasyong ganito. Para malaman nila ng mas maiigi ang mali sa katamaan. Kailangan nalamang nilang dagdagan ang mga tagpo kung saan mahinahong naguusap ang ina at ang anak. Sa pamamagitan noon mas maiintindihan pa lalo naming mga manonood ang kanilang usapan.
Bagamat mabilis kung magsalita at dinadaan sa mga mararahas na Gawain ang paguusap ng mag-ina, makikita mong sa pamamagitan nito naipapakita nila nag tunay na mensahe ng pelikula. Hindi mo kailangang maging OFW upang makarelate sa istoryang ito.
Buod:
Isang ina na napilitang magtrabaho sa Hongkong upang kumita si Josie.Ginawa niya ito upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Nagsimula ang kanilang buhay bilang isang simpleng mag-anak ngunit ng yumao ang asawa ni Josie na si Rudy, doon na nagsimula ang pagkakawatak watak ng pamilya. Hindi kasi noon nakauwi si Josie nang mamatay ang asawa dahil siya ay ikinulong ng amo niya nang may isang buwang itong umalis at hindi rin niya nabalikan ang mga anak.
Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi na rin siya dahil sa pagpapasyang hindi na pagtatrabaho sa Hongkong at siya ay magnenegosyo na lamang. Sa kanyang pagbabalik, hinarap niya ang matabang na pagsalubong ng mga anak. Si Daday, ang bunso, ay hindi siya kilala, si Michael ay mahiyain at walang kimi at si Carla, na hindi man lang siya ginagalang at iniitsa-pwera lamang. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang makuha man lamang ang atensyon ng mga anak at sa mga araw na lumilipas ay nakikilala niya ang kanyang mga anak. Nakita niya ang mga bisyo at karanasan ni Carla ang paninigarilyo, tattoo, paghihithit ng droga, panlalalake at paglalaglag ng bata. At marami pang problema ang kanyang kinaharap, ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang mga anak, nabangga pa ang taksing pinundar niya at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos nito ang perang ibabahagi sana niya.
Nagtuluy-tuloy ang kamalasan ni Josie kasabay ng pagkaunti ng kanyang inimpok nasalapi para sa kanyang pamilya. Dahil dito, napilitan siyang magbalik sa Hongkong. Isang gabi bago siya babalik sa Hongkong, napuno si Josie sa pagtrato sa kanya ni Carla. Malaki ang alitan ng dalawa hanggang sa binuhos niya ang lahat lahat ng kanyang nararamdaman sa mga anak. Sa oras na ito, namulat ang mga mata ni Carla sa katotohanang siya ang sumira sa buhay niya at wala na siyang mapagbabalingan ng sisi kundi ang sarili niya dahil sa pagpapalalo niya sa kanyang bisyo. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama’t malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring iyon ay nagbalik-loob si Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang anak at nakatatandang kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-alis ng ina.
Produksyon
Manunulat: Raymond Lee and Ricardo Lee
Direktor : Rory B. Quintos
Mga Nagsiganap:
Pangunahing Tauhan
· Vilma Santos- Josie
· Claudine Barretto- Carla
· Joel Torre- Rudy
· Amy Austria- Lyn
· Baron Geisler- Michael
· Sheila Junsay- Daday
· Cherry Pie Picache- Mercy
Iba pang Tauhan
· Leandro Muñoz- Brian
· Gino Paul Guzman- Don Don
· Tess Dumpit- Norma
· Jodi Sta. Maria- Bernadette
· Cris Michelena- Arnel
· Hazel Ann Mendoza- Young Carla
· Daniel Morial- Young Michael
· Odette Khan- Mrs. Madrid
Pagpapahalagang moral
May natutunan/naibahagi ba ang istorya?
Ang Pelikulang Anak ay isang magandang palabas para sa ating mga Pilipino. Ito ay nagpapakita ng mga sitwasyong totoong nangyayari sa loob at labas ng bawat pamilyang Pilipino.
Maraming mga pagpapahalagang moral ang naibahagi ng pelikulang ito. Katulad na lamang ng mga sumusunod :
· Tunay at wagas ang pagmamahal ng ina sa kanyang mga anak.
· Ang Ina ay handang tanggapin at mahalin ang kanyang mga anak maging anu pa man ang mga kamaliang nagawa nito.
· Ang lahat ng tao ay may kakayahang magbago at magbalik-loob sa tamang landas.
· Ang lahat ng tao ay may dahilan kung bakit sila ay nagsasakripisyo para sa ibang tao.
· Ang pagpapakatatag ng tao sa pagharap sa kanyang mga problema ay mahalaga upang malagpasan ang mga pasakit ng buhay.
Ang mga aral na iyan ay dapat taglayin ng bawat isa sa atin dahil ang mga iyan ay makatutulong sa atin upang mapagtagumpayan natin ang ating mga buhay. Hindi lamang iyan gayundin ang mga simpleng aral na makikita pa rin sa loob ng pelikula ay makatutulong din. Ang mga aral na makikita ay base sa paraan ng ating pagtingin sa buhay.
1 week ago
Pagganap
a. May sapat bang damdamin o panlasa sa kagandahan o sining?
Ang kabuuan ng pelikula ay mayroon at nagpakita ng sapat at totoong damdamin para sa paksa ng pelikula na siya ring nagbigay ganda sa pag-usad ng kwento nito.
b. Makatotohanan at mahusay ba ang pagkakaganap ng mga tauhan?
Ang mga tauhang nagsiganap ay sadyang hindi matatawaran dahil sa galing nilang gampanan ang bawat karakter nila sa anumang mukha ng buhay o sitwasyon na kanilang kinahaharap sa buong pelikula.
c. Lahat ba ng tagpo ay malinaw at mahalaga sa pinapaksa?
Ang mga tagpo sa loob ng pelikulang ito ay nagawa at naipalabas ng malinaw. Ang bawat pangyayari naman ay mahahalaga dahil lahat ng mga iyon ay sumasalamin sa tunay na kalagayan ng pamilyang Pilipino.
Sinematograpiya
Ang Pelikulang Anak ay isang magandang palabas para sa ating mga Pilipino. Ito ay nagpapakita ng mga sitwasyong totoong nangyayari sa loob at labas ng bawat pamilyang Pilipino.
Ang Pelikulang Anak ay patungkol sa isang ina, bilang Overseas Filipino Worker, na napilitang umalis ng bansa upang mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang pamilya.
1 week ago
Iskrip
Bawat salita ay tumatagos. Tumuturok sa malambot na bahagi ng ating puso.
Ang mga salitang binitawan ni Vilma bilang si Josie habang ipinapaliwanag kay Carla (na ginampanan naman ni Claudine Barretto) ang hirap na dinanas para lamang makapagpadala ng pera ay malinaw na larawan ng buhay ng isang OFW.
Ang akala ng iba’y masarap, maginhawa ang buhay-OFW. Akala ng marami madaling kumita ng dolyar na para bagang ito’y pinupulot lamang.
Subali’t ang totoo, karamiha’y nagtitiis, nagtitiyaga, dumaranas ng lungkot at pighati, minamaltrato, napapahamak at minsa’y nakikitlan ng buhay. All because of one desire – ang mai-angat ang antas ng buhay at malasap ng pamilya ang kaginhawaan.
Kung kaya’t ang pelikulang ito na “Anak” ay magsilbi nawang paalala at magbukas ng kaisipan ng karamihan sa ating mga kababayan ng kalagayan ng isang OFW.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento